Alam mo bang mas madali gumawa ng exit plan mula sa pagiging empleyado para maging entrepreneur kesa sa mag exit sa isang toxic na relasyon?

Naranasan mo na ba lumabas sa isang relasyon na puro sakit ng kalooban lang ang lagi mo nararamdaman? Ang hirap mag isip at kumilos pag alam mo na ang haharapin mo nanaman ay problema sa kasama mo sa buhay, dagdag pa dyan every time na may pag uusapan kayo lagi napupunta sa away kahit wala naman dapat pag awayan. Madalas pa nasasaktan nyo ang isa’t isa dahil sa matatalim na salita.

Pag nandun kana sa break up part, mahirap lahat ng dadaanan mo para mag move on, hindi ka patutulugin ng puso at isip mo, iisipin mo lahat ng pwede mo gawin para iwasan ung oras na alam mo iiyak ka nanaman sa isang sulok. Sa mga broken, may makaka-relate dito.

Kung ikaw ang taong ito, Sana malagpasan mo yan pinag dadaanan mo at wag mo tambayan.

Like in a Love story, meron tayong ideal kind of relationship. Sa financial life din dapat may idea ka kung ano ang buhay na gusto mo in the future.

Yung clear sayo kung ano ang definition mo ng financial freedom. Ano nga ba ang definition mo ng Financial Freedom, mag kaka iba tayo ng definition nyan.

Sa iba ay may sapat lang na kita akala nila financial freedom na un, pero paano pag ikaw ay hindi na pwede mag trabaho at wala ng dumarating na income mo? Ibig ba sahihin nyan papayag kang mawawala and financial freedom mo? Papaano kung may kita ka ngan maganda sa trabaho pero hindi ka naman masaya sa environment or sa ginagawa mo mismo? Araw araw mo lang ba i-tu-turture ang sarili mo? Hindi mo rin matatawag na financially free ka kung wala kang choice sa ginagawa mo.

Sa iba ang financail freedom ay kung magkaroon sila ng negosyo or maging entreprenuer.

Kung ikaw ay empleyado ngaun, gusto mo bang empleyado ka sa buong buhay mo?

Madalas ang sagot dito ng marami ay hindi nila gusto forever maging empleyado kasi wala naman talagang yumaman sa pangangamuhan lang. Pero ang hindi nila alam ay kung paano mag transition mula sa pagiging empleyado para maging entrepreneur.

Alam mo bang madali gumawa ng exit plan mula sa pagiging empleyado para maging entrepreneur?

Ito ang ilan sa tips na natutunan ko sa aking mga mentors at ginawa ko sa aking personal life. 

  1. Habang ikaw ay empleyado mag research ka sa negosyong gusto mo pasukin. Sa ngaun marami ng mga materials na makikita sa online, mag umpisa ka muna sa mga free online materials at classes para sa paunang knowledge.

  2. Maglaan ng 10% ng iyong sahod kada buwan para may pambili ka ng books ito ay tawagin mong educational or learning funds, alamin mo ung mga ginawa ng mga naging successful na tao sa business na gusto mo. Hindi mo na kailangan mag inbento kasi may naka-isip na yan naisip mong negosyo kailangan mo na lang mag innovate. Mag enrol sa mga paid seminars para mas makita mo ang bigger picture ng negosyo.

  3. Matuto mag Invest para ang naipon mo ay lumago pa, Pwede mo gamitin ang naipon mo para sa capital ng negosyo. Habang ina-aral mo pa lang ang negosyong gusto mo pasukan, ilagay mo ito sa isang investment vehicle na mag bibigay ng mas mataas na return sa iyong business fund.

4. Mag increase cash flow, hanap ka pa ano pwede mo gawin sa spare time mo na pwede mo pag kakitaan maliban sa iyong trabaho, may pera sa tamang pag gastos sa oras.

5. Isa-alang-alang ang ibang financial goals, hindi kailangan mag sakripisyo ang ibang goals para lang sa negosyo na ito, create a separate fund for your retirement, ito ung fund na hindi mo gagalawin hanggang sa ikaw ay mag retire na, mag-lagay ka lagi ng 5% sa bawat kita na makukuha mo.     

 
6. Kung may sapat ka nang fund para sa small scale ng business na gusto mo, mag try kana. Mas matuto ka pag ginagawa mo na sya. Start small, hwag mo gawin sugal ang business, hwag mo ilabas lahat ng resources mo dito. Consider this as an experiment, adjust accordingly. Hwag ka din matakot mag fail kasi mas matututo ka kung aaralin ang bawat failure. Hindi lahat nagiging successful sa unang try, pero magiging mas matalino ka dito.    


7. Hwag mo iiwanan ang existing mong trabaho kung ang business ay hindi pa nag bibigay ng parehong kita na nabibigay ng existing mong trabaho, para ito ang mag sustain sa mga expenses kung may umaasa sa income mo. Congratulations sa iyo kung gumanda ang business mo sa unang try.     


8. Huling paalala, don’t adjust the level of living just because you’re earning more, instead adjust the level of giving and help others create an oppurtunity for themselves too. I believe that generousity is a trade mark of a truly rich individual. 

Balikan ang tips 3,4 & 6 para hindi ka malubog sa utang sa pag set-up ng business.   

Mas mahalaga na may back up plan sa buhay. Kung gusto mong mas maging secure ka sa Financial Freedom in the future, mag create ng iba-ibang Funds sa iba mong goals.   

Para sa mas maraming knowledge about Financial Goal Setting and Proper Investing. Attend ka ng Financial Coaching Session sa Webinar or online Class.


You may attend a live Webinar class or a recorded webinar.
For the Live webinar,  click here for the schedule: 

https://bit.ly/OnlineClassFinancialCoaching


For the recorded webinar(available today) click here: https://bit.ly/basicfinancialcoaching

Download a copy of our EBOOK Here: https://bit.ly/free_ebook2020


Mas madali gumawa ng Exit Plan sa employment kesa sa exit plan sa isang toxic relationship di ba?



To your Financial Success,



Coach Mar